ang lahat ng tanong ay may kasagutan,
lahat ng problema, may kalutasan,
lahat ng nawawala ay mahahanap...
pero pano kung ang bulag ay hindi makakita,
ang bingi ay di makarinig,
ang piping di makausal?
maswerte ka pang walang kapansahan,
may laya kang makita ang ganda ng kalikasan,
marinig ang huni ng mga ibon,
mausal sa sintang iniirog ang nadaramang pagmamahal
bakit hindi mo ito gamiting sa tamang paraan?
hindi sa panghuhusga, panlalait o paninira lamang
ang iyong tainga hindi sa tsismisan na walang katapusan
ang iyong matang walang ng nakitang maganda?
ang maigsi mong dila hindi sa kadalahiraan..
mas bigyan mo ng pansin ang ganda ng paligid
pakinggan ang alon ng dagat o lagaslas ng tubig
gamitin sa pagpupuri ang matamis mong dila
ipakita, iparamdam ang iyong pagkadakila.
Ang pagkakalinlanlan ay hindi dahil sa yaman
sa gara ng iyong kasuotan
sa ningning ng alahas sa katawan
o sa modelo ng iyong sasakyan
payak man ang iyong gayak
kung kalooban nama'y busilak
di hamak ikaw ay aangat
ng higit pa sa mga taong palasak.
photo courtesy of fabolousnature.com
0 comments:
Post a Comment