ANG SIMULA NG WAKAS
Prologue
“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Rommel. Alas dos ng madaling araw at kararating lang nya galing sa pagtatrabaho bilang bartender sa isang fine dining restaurant sa alabang.
"Inaantok na ko, maaga pa pasok ko bukas" sagot ni Angela. Sa itsura pa lang ni Rommel, mukang intoksikado ito ng alak at ayaw ni Angela ng isa na naman komprontasyon sa kalagitnaan ng kahibimbingan ng mga natutulog.
"Sandali lang, please?" pakiusap ni Rommel. At para di na ito mangulit pa, tumayo si Angela, at ngpunta sa sala. "O sige, ano naman ang pag-uusapan natin?" sabay sindi ng sigarilyo at ipinararamdam ng husto na hindi sya interesado sa kung ano mang sasabihin ng asawa.
"Ano ba nangyayari satin? Ganito na lang ba tayo?" ani Rommel.
"Bakit? Ok naman tayo ah. Andun ka sa Alabang, andito kami ng mga bata. Walang problema"
"So ganun na lang yon? Para mong sinasabi na mas ok pa na mgkahiwalay tayo.."
"Ikaw ang nagsabi nyan hindi ako, look, ayoko ng away, pagod din ako, kailangan ko din ng pahinga" iritadong sagot ni Angela.
Napatingin si Angela sa kanyang asawa, kung pwede lang ibalik ang panahon, sana wala tayo sa ganitong sitwasyon. Kailan nga ba nagumpisa o nagwakas ang lahat? Kailan nagumpisa ang paghihiwalay ng dalawang pusong sumumpang magmahalan hanggang kamatayan? Kailan nagwakas ang saya ng isang napakatamis na pagsasama?
to be continued...
0 comments:
Post a Comment