Love is like a violin, the strings are always there, but sometimes the music gets lost.
“Alam mo tol, ganyan talaga, life is not a bed of roses. All of those problems that you have in your marriage would only strengthen it. Malalagpasan nyo rin yan. Look, madami na kayong pinagdaanan, ngayon ka pa ba susuko?”
“Ewan ko ba Julie, feeling ko, unti unti na kaming lumalayo sa isa’t isa. Ni hindi na naming nareresolve even yun mga maliliit na problema. Patong patong na.. siguro we need some space muna..”
“Ow c’mon Angela, hindi solusyon yan, alam mo yan. It would only further aggravate the situation” payo ni Julie.
Kahit si Rommel ay ramdam na ramdam na rin ang madalas na pag-aaway nila ni Angela. Mas napapadalas tuloy ang pagsama nya sa barkada nang sa gayon ay tulog na ang asawa pag-uwi nya.
“Hindi ko na alam gagawin ko pare. Minsan ayoko na umuwi. Pakiramdam ko wala akong kwentang lalaki. Ni hindi nasusunod ang mga gusto ko sa bahay. Putsa pare, lagi na lang sya, natatapakan na pagkakalalaki ko ah!” bulalas ni Rommel sa kaibigan.
“Pare, lasing ka lang. Bakit hindi kayo mag-usap ni mare? Lahat naman yan nadadaan sa usapan, baka hindi lang kayo nagkakaunawaan.” Payo ng kaibigan.
Kahit ngkakagayon na ang sitwasyon ng mag-asawa, pinipilit pa rin nilang isalba ang kanilang pagsasama. Parehas nilang sinubukan na maresolbahan ang mga dumadaang problema. Ngunit sadyang malupit ang tadhana. Dumating na sila sa punto na halos nag-iiwasan na sila kahit sa loob ng kanilang pamamahay para lamang maiwasan ang mga argumento sa pagitan nila.
Nalipat ng trabaho si Rommel sa Alabang na may kalayuan sa kanilang tirahan. Napagkasunduan nila na mangupahan na lang si Rommel doon upang makatipid ito sa oras at hindi masyado mapagod sa byahe at lingguhan na lang uuwi ito sa kanilang bahay sa Angono. Habang nag-eempake sila ng kanyang mga gamit, “Wag mong pababayaan ang mga bata huh” ani ni Rommel.
“Oo naman, ito naman kung makapagsalita para kang mag-aabroad. Lingguhan naman ang uwi mo.”
“Sa palagay mo ba mas ok ang ganito?”
“Yeah, I think its for the best… ito siguro ang kailangan natin para makapagisip-isip rin tayo…”
1 comments:
Good daу! This is my first comment hеre sο Ӏ just wanted to giνe a quick ѕhout out and tell you I really enјοy reading thгough your
posts. Can you suggеst anу other blogs/webѕites/forums that coνer the samе subjects?
Thаnk you so much!
My blog post hcg diet injections
Also see my website :: hcg diet
Post a Comment