Sulyap NGiti

My entry to the Isang Minutong Smile Quotes Contest. Vote for me!!!

Ang Simula ng Wakas

Kailan nga ba nagumpisa ang wakas ng isang matamis na pagsasama? Sundan ang maikling kwento in progress.

A Tribute for Kua ED

Kua Ed, this is for you.... I will surely miss you...

Just Can't Get Enough of CEbu Pacific Piso Fare

I have booked mine, what's keeping you??

Showing posts with label tagalog poems. Show all posts
Showing posts with label tagalog poems. Show all posts

Tuesday, February 14, 2012

A Day With You.


halika...

lets spend the day together....
punta tayo sa mga lugar na dati nating pinupuntahan
pinapasyalan....
kumain tayo sa paborito nating restaurant,
malamang wala na ito pero at least daanan natin
alalahanin ang masasayang alaala
ang mga nagdaan ating igunita....

punta tayo sa tabing dagat...
masdan ang paglubog ng araw...

baka sakali,
pag bumalik tayo sa nakaraan kahit sandali....
manumbalik ang pag-ibig na dati'y kaysidhi....

kaya halika na....
kahit alam natin na wala na tayong dalawa..
just this day,
can we at least pretend
that we are still lovers and not just friends?

Wednesday, October 12, 2011

Sulyap sa Sarili



ang lahat ng tanong ay may kasagutan,
lahat ng problema, may kalutasan,
lahat ng nawawala ay mahahanap...


pero pano kung ang bulag ay hindi makakita,
ang bingi ay di makarinig,
ang piping di makausal?


maswerte ka pang walang kapansahan,
may laya kang makita ang ganda ng kalikasan,
marinig ang huni ng mga ibon,
mausal sa sintang iniirog ang nadaramang pagmamahal


bakit hindi mo ito gamiting sa tamang paraan?
hindi sa panghuhusga, panlalait o paninira lamang
ang iyong tainga hindi sa tsismisan na walang katapusan
ang iyong matang walang ng nakitang maganda?
ang maigsi mong dila hindi sa kadalahiraan..


mas bigyan mo ng pansin ang ganda ng paligid
pakinggan ang alon ng dagat o lagaslas ng tubig
gamitin sa pagpupuri ang matamis mong dila
ipakita, iparamdam ang iyong pagkadakila.


Ang pagkakalinlanlan ay hindi dahil sa yaman
sa gara ng iyong kasuotan
sa ningning ng alahas sa katawan
o sa modelo ng iyong sasakyan


payak man ang iyong gayak
kung kalooban nama'y busilak
di hamak ikaw ay aangat
ng higit pa sa mga taong palasak.






photo courtesy of fabolousnature.com

myfreecopyright.com registered & protected
Personal - Top Blogs Philippines
Philippines Blog Directory
PH Blogs

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites