Friday, September 16, 2011

Ang Simula ng Wakas - Ang Pagkikilala


                “Hi guys, how’s everyone?!”  humahangos na bati ng dalaga, halatang napagod sa pag-akyat sa 5th floor na tambayan nila sa North Wing ng PUP.  Kahit pagod, di maiwasan ang panakaw na tingin ng ibang estudyante sa bagong dating.  Kung tutuusin, maliit lang sya, 5’1, medyo morena, one-sided hair na lagpas balikat ang haba, balingkinitang katawan at maamong mukha pero mapang-agaw eksena.

                “Sino yun?”
                “Yon? Ah, si Angela, head ng Women’s Org pare.  Bakit interesado ka?  Hindi ka papasa dyan!  Dami na na-busted nyan!”
                “Anong college nya pare?” tanong ni Rommel.
                “Accountancy. Sus pare, malabo ka dyan kung may balak ka, feminist yan eh!”
                Interesado talaga si Rommel habang tinitigan ang dalaga na ngayon ay kausap ang grupo nya at masasayang nagpapalitan ng mga kwento tungkol sa katatapos lang na summer vacation.  Hindi naman sya alangan sa dalaga, 3rd yr sa College of Business, 5’7”, maputi, at isa sa mga habulin ng mga babae sa naturang Unibersidad.
                                                      

                Unang session ng swimming classes, halos lahat ay nakapalibot na sa swimming pool.  Kanya-kanyang “window shopping” ang mga estudyante.     Kagaya din ng ibang kalalakihan, palinga-linga rin si Rommel sa mga naroroon.  Nang my umagaw ng kanyang pansin… Talaga nga naman kapag sinuswerte talaga oh!

Hi classmate! I’m Rommel” bati nya sa kaklase.
“uh hi! I’m Angela”.       
            “Ummm… my itatanong sana ko sayo eh, ok lang ba?”
            “Sure, what is it?”
“ah eh, my sakit ka ba?”
            “Huh? Wala naman bakit?”                                 
            “Kasi gusto sana kitang dalawin eh!”      
            “Hahaha, ayos pick-up line mo ah!”
            “Hahaha, no, honestly, if its ok, pwede ba kita yayain later after class? Say, let’s have a snack or coffee or something?”
              He’s kinda cute, medyo corny pero at least he could make me laugh.. “Basta ba libre mo eh!”  sagot ni Angela.
              “Alright! It’s a date then!”
              
              Ang unang date ay nasundan pa hanggang sa maging “inseparable item” na sila sa Unibersidad.  Lagi silang magkasama, sinusundo ni Rommel si Angela pagkatapos ng klase, inihahatid sa bahay, at talagang ipinararamdam sa dalaga ang seryosong interes nya.
            
               “Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Rommel.
                “Saan? Sa klase? Sa organization ko? Bakit?”
                “Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh!”
                “Hahahaha.  Alam mo, you’re so corny!”
                “Kidding aside, hindi k aba natatakot sa mga rallies nyo?”
                “Well, minsan, pero nag-iingat naman kami”
                “Kasi pag nahuli ka, gusto ko sana dito ka na lang ikulong sa puso ko hehehe”

                Lagi silang masaya, at talagang nag-eenjoy sa company ng bawat isa.  Kahit my mga differences sa napakaraming bagay, mas lalo lang itong naging daan para mas makilala nila ang isa’t isa.  

to be continued

0 comments:

Post a Comment

myfreecopyright.com registered & protected
Personal - Top Blogs Philippines
Philippines Blog Directory
PH Blogs

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites