Sunday, September 18, 2011

An Simula ng Wakas - The Journey



                “Do you take this man to be your lawful wedded husband, through sickness and health, for richer and poorer till death do you part?”
                “Yes, I do”
                “And now I pronounce you husband and wife!”
                “Congratulations!”
                “Wish you all the best!”
                Nakakainggit sila!
                “I love you so much, I’ll do everything for you..”
                Hoy, langgamin kayong dalawa dyan, mamaya pa honeymoon!
                “And I will love u as long as I live…”
                Cheers pare! Umpisahan nyo na para makarami haha!
                
               Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga bagong kasal.  Kitang kita ng mga bisita ang tunay na pagmamahalan na namamagitan sa magsing-irog, bakas na bakas ang ligaya sa kanilang mga mukha at nagniningning sa kasiyahan ang kanilang mga mata.
               
               Iyon ang simula ng kanilang paglalakabay sa masalimuot na buhay ng pag-aasawa. Konting tampuhan, minsan may problema, ngunit mas nanaig ang pagmamahal nila sa isa’t isa.  Nagbunga ng dalawang anak ang kanilang pagsasama na lalong mas nagpatibay sa kanilang pamilya.  


               "Hon, hindi muna ko papasok ng mga ilang araw..."  sabi ni Rommel isang umaga.
               "Bakit? Masama ba pakiramdam mo?"
               "Well, hindi naman. Pero.."
               "Pero ano?  Hon, alam mo naman dami natin gastos, di natin afford ngaun na hindi ka magpapasok.." sagot ni Angela.
              "E kasi..."
              "Eh kasi ano?"
              "Eh kasi ipapasyal ko sana kayong mag-iina sa baguio eh, pero kung ayaw mo, e di papasok na lang ako hehehe!" nakangising sabi ni Rommel sa asawa.
             " Awww.... ikaw talaga! hahaha, syempre, go na! Kelan tayo aalis?" tuwang tuwang sabi ni Angela.
             " Hindi na, wag na lang, papasok na lang ako, marami nga pala ko trabaho hehehe" panunukso ni Rommel.
            "Hon naman eh!" sabay kurot sa asawa.  


            Kahit parehas silang abala sa pagtataguyod at pagpapalaki ng kanilang pamilya, hindi pa rin nila pinababayaan ang relasyon nila bilang mag-asawa.  Para pa rin silang bagong kasal, sa kulitan, harutan, lambingan.  
                        
               Ngunit minsan, sadyang hindi sapat ang pagmamahalan lamang.  Binugbog ng sunod sunod na problema ang mag-asawa na humantong sa madalas na pag-aaway at hindi pagkakasundo ng dalawa kahit sa mga maliliit na bagay.

to be continued

0 comments:

Post a Comment

myfreecopyright.com registered & protected
Personal - Top Blogs Philippines
Philippines Blog Directory
PH Blogs

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites